Wednesday, June 3, 2015

Ang Aking Munting Anghel



Sa mapang-akit nyang pangalan at sa hubog ng kanyang maalindog na katawan ay hindi mapigilang mahulog ang aking loob sa kanya. Gusto ko lang naman ay haplos ang kanyang malambot na kutis, mahalikan ang kanyang matatamis na pulang labi at malanghap ang kanyang inosenteng amoy. Isang gabi ng mga damdaming naghihimagsik at gumuho ng aming marurupok na puso. Nakita ko ang pagtulo ng luha mula sa kanyang mga mata. Nadinig ko ang kanyang maliit at paos na tinig at pinuno nang pawis ang aming buong katawan. Sa loob ng tatlong oras ay naging batas ko sya at akoy naging mariing tagasunod.

Pagkaraan ng tatlong buwan isang mensahe ang aking natanggap mula sa kanya: "thon, buntis ako". Nanlulumo ang aking mga mata. Naramdaman ko ang pagtibok ng puso ko sa loob ng aking utak. Basang-basa ng malalamig na pawis ang aking katawan. Nanlalabot ang aking dalawang tuhod. Isang nakakabinging katahimikan ang bumalot sa mundo ko at kahit walang akong kausap ay nakabuka ang bibig. Halong tuwa at kaba ang naging tugon ng aking emosyon.

Kinabukasan, pumunta ako sa kanilang bahay. Bumungad sa akin ang kanilang katulong na may hawak na liham: "thon, hindi ko kaya". Kasunod ng liham ay isang garapon at nandoon ang aking munting anghel.


No comments:

Post a Comment