Totoong mahirap gumawa nang tula para sayo,
Kasi di ko alam kung ano ba ang dapat na sasabihin ko.
Kasi pag ikaw na ang pinag-uusapan para akong nauutal,
Bakit bawat responde nang utak dapat kay tagal.
Sa ganitong klase nang tula siguro dapat ilagay kung paano tayo nagkakilala,
pero di ko gagawin yon kasi kagagawan na yun nag tadhana
at ayokong pakialaman kung ano man ang plano nito.
Basta masaya ako dahil ikaw ay naririto.
Sa bawat pagpikit nang mata naaalala kita,
sa bawat padilat naman hinihiling na sana ikaw ang makita.
Pero okay na rin sa akin na di ka makita araw-araw,
Dahil tayo ay may kanya-kanyang mundo, ngunit ang mundo ko ay ikaw.
Laging akong nasasabik sa linggo para makita ka ulit,
Makita muli ang iyong mga tawa at kulit.
Kahit na napapagod na sa kakalakad nang ilang minuto,
Kapag ikaw ang kasama napapawi lahat ito.
Madalas man akong nag mumukhang walang pakialam
At tahimik na lang sa gilid kung minsan.
Rason kung lang para ikaw ay matitigan,
Yakapin at maipakita na mahalaga ka sakin nang lubusan.
So, sino ka nga ba at ano ang halaga mo sa buhay ko?
Umuuwi kasi ako kaagad pag linggo sa Iloilo para sayo
Na di ko naman alam kung ako'y mahalaga rin ba.
Subalit gagawa at gagawa ako nang paraan para ikaw ay makasama.
Hindi ko alam kung hanggang kailan tayo ganito,
Iiwanan mo din siguro ako pagdating nang panahon.
Ngunit gagawin ko lahat mapatagal lang tayo ang oras, buwan o taon.
Ewan kung sa parte mo, gagawin mo rin ba yon.
Violet is now "Honesty", my favorite color is blue.
Just always remember that ill always be here for you,
One guy that always sees you at your best view.
Be awesome always because "i love you".